

Guys! balak o trip nyo ba ang mag outing o mag diskobre ng mga bagong lugar ngunit medyo kulang kayo sa badyet? Ito ang ilang mga tips ko sa inyu upang makamura at makatipid ng kaunti.
Una-Planuhin ng maayos ang balak gawin at kung saang lugar ang balak ninyong puntahan.
Kasi naman kapag hindi ninyo naplano ng maayos ito at kung saang lugar ang nais ninyong puntahan maaring hindi maging successful ang gagawin ninyo at siguro mayroon pang iba na hindi agree sa posibleng mangyari.
Pangalawa- di kailangang bunggang bungga ang mga pagkain na dadalhin.
Hindi naman lahat na sumama sa inyo ay maarti o kaya'y mapili diba?
Pangatlo-Iwasan ang mag pa cater subukan nyo na kayo mismo ang magluto sa dadalhin ninyo.
Kasi minsan ang sa akala natin na mabuti ang mag papaluto nalang sa iba upang walang abala, oo nga walang abala ngunit kung pagtitipid ang pag uusapan mas mabuti pa na kayo na mismo.
Pang apat--Huwag magsama ng ibang kasama na hindi naman kasali sa gropo.
O diba kapag marami kayo mas lalong magulo. O kaya naman ang sinama mo pa ay ma out of place pa dahil hindi pa nya masyadong kabisado ang lahat.
Panglima-Piliin ang medyo malapit lang na lugar.
Kasi kapag marami kayo sa isang gropo mas mabuti ang di muna sa isang malayong lugar na kailangan pang gumasta ng malaking pera para sa pamasahe. Okey lang ang ganoon kung medyo kaunti lang kayo o di kaya'y pinaghandaan ninyo talaga kasi uuwi lang naman kasi kayo kaagad diba sayang naman.
Note: Opinion ko lang ito guys, di ko po batid na ako ang masusunod. Syempre may sarili din po kayong disisyon na kung ano ang nais ninyong gawin. Pero nasubukan na po namin ito guys, mukha naman pong effective lalong lalo na sa ating mga baguhan pa sa mga ganito at wala pang job u know. Mas nakakatipid kami sana kayo din. Ingat kayo have a trip!.
No comments:
Post a Comment