Monday, November 17, 2008

Hanggang saan ang paniniwala mo?


Ikaw naniniwala ka ba na ang lahat ay inilalaan ng panginoon at nakatadhana talaga saiyo? Pinasasalamatan mo ba na nagyari ang mga ito o di kaya'y sinisisi mo siya. Well, tingnan natin. Lahat kasi na nangyayayri at mangyari sa buhay ay nakatadhana talaga para sa atin. Kahit anong sikap nating gawin, kahit anong skripisyo at kahit halos ibuhis mo pa ang buhay mo kung hindi yon mapapasaiyo ay di talaga yun para sa saiyo. Ngunit ang tadhanang nakalaan sa iyo ay posible mong mababgo o di kaya'y masisira mo. Para sa iba naman hindi mo na raw mababago ngunit ikaw lang mismo sa sarili mo ang may hawak ng buhay mo. Ikaw ang mag guide o mag handle nito. Siyempre malaya ka sa lahat na gagawin mo ngunit ikaw din ang siyang responsable sa maaring kahihinatnan nito. Kaya isiping mabuti ang mga nais gawin bago magsisi sa huli.

Tayong tao kasi ay paiba-iba ng mga paniniwala. Pabago-bago ang disisyon,marupok at madaling malimot ngunit dapat naitng tandaan at hindi dapat kakalimutan na ang panginoon ang siyang nakakaalam kung nararapat at hindi para sa atin.

No comments: